Libreng Kapon at Bakuna Handog ng Pamahalaang Lungsod


Matagumpay ang naisagawang Libreng Kapon at Libreng Turok ng Anti-Rabies na handog ng ating Pamahalaang Lungsod katuwang ang City Veterinary Office noong ika-1 ng Oktubre 2020 sa Laguerta Covered Court, Barangay San Vicente. Ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan nila City Mayor Lourdes S. Cataquiz, Philippine Veterinary Medical Association, ABC President Diwa Tayao at City Veterinarian Ma. Fe V. Templado. Dinaluhan din ni Konsehal Aaron Cataquiz ang inihandog na libreng serbisyo. Ang nabigyan ng libreng kapon ay 79 na aso at 139 na pusa na may kabuuang 218 habang 150 na aso naman po ang naturukan ng Anti-Rabies.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.