Libreng Pustiso Handog sa ating mga Kababayan


Nagsimula na muli ang pagbibigay ng libreng pustiso na pinangunahan ng dentista ng ating lungsod na si Doctor Medardo Ramirez noong ika-25 ng Agosto 2020 sa PDD Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH). 255 na katao ang mabibigyan ng libreng pustiso bilang isa sa mga proyektong handog ng ating Punong Lungsod Lourdes S. Cataquiz sa ating mga kababayan katuwang na rin ang City Health Office sa pangunguna ni City Health Officer Dr. Robert R. Olivarez.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.