MAS MABILIS NA GAMUTAN SA SAKIT NA TB, GINAWANG POSIBLE NG CITY HEALTH OFFICE

Sa tulong ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng ating Mayor Lourdes Cataquiz kabilang ang mga frontliners ng RHU (Rural Health Unit) ay mas napabilis ang gamutan ng isang TB (Tuberculosis) patient. Dati ay kinakailangan pang mag-smear ng plema manually upang tukuyin kung ano ang tamang gamot na dapat inumin. Kapag hindi nakumpleto nang tama ang pagpapagamot, maaaring maging Multi-Drug Resistant (MDR) na ang TB patient . Kapag umabot na sa MDR-TB, hindi na magiging mabisa ang mga gamot na kasalukuyang iniinom ng pasyente. Sa tulong ng makabagong teknolohiya na GeneXpert, sa loob lamang ng tatlong oras ay agad malalaman ang resulta.


Ito ay handog ng DOH sa ating Pamahalaang Lungsod sa suporta at pangunguna ng ating Mayor Lourdes Cataquiz upang tuluyang masugpo ang sakit na Tuberculosis sa ating Lungsod.





© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.