Meeting ng Local Housing Board


Isinagawa ang pagpupulong ng Local Housing Board na pinamumunuan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, sa pamamagitan ni City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo at City Urban Development and Housing Office (CUDHO) OIC Melizza Tipon, ukol sa proyektong North-South Commuter Railway-Extension (NSCR-Ex), isang elevated railway system na kokonekta mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna. Ang pulong ay inisyatibo ng Department of Transportation (DOTr) na kinatawan ni CDO Roberto Gunio Jr. na nagbigay ng inisyal na plano ng proyekto. Nagbigay rin ng presentasyon sina Social Housing Finance Corporation (SHFC) OIC and Vice President Atty. Tristan Tresvalles at Ms. Mary Ann F. Policarpio mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).


Sa pakikipagtulungan ng Philippine National Railways (PNR) susundin ng proyekto ang right-of-ways nito. Inaasahang masisimulan ang konstruksyon ng proyekto sa Oktubre ng taong ito.


Layon ng proyekto na mapabilis at mapaginhawa ang byahe ng mga taong magmumula sa ilang bahagi ng Northern Luzon papunta sa Southern Luzon, vice versa, na inaasahang nasa isang oras na lamang ang biyahe. Maiibsan rin nito ang bigat ng trapiko sa mga nasabing lugar.