Meeting with the Director for National Meat Inspection Service-Region 4A (NMIS) Fernando Lontoc


Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo ang isang pulong kasama si Director for National Meat Inspection Service - Region 4A (NMIS) Fernando Lontoc ukol sa ipatatayong 6000 square meters Slaughter House sa Southville 3A, Brgy. San Antonio. Tinatayang 150 hogs o baboy kada araw ang maipo-produs ng nasabing katayan. Bukod sa hoggery, magkakaroon din ng cattle o baka at poultry o manukan. Magpapatayo rin ng malaking Cold Storage para maging imbakan ng mga karne.


Dinaluhan ito ng mga concerned department heads mula sa ating San Pedro City Planning and Development Office (CPDO), City Veterinary Office (CVO), City Agriculture Office (CAO), at City Environment, Natural Resources Office (CENRO) at mga kinatawan mula sa NMIS-Lipa City, Batangas at NMIS-San Pablo, Laguna. Ginanap ang pulong noong ika-22 ng Pebrero 2021 sa Lake View Hall, San Pedro City Hall.


Ang nasabing katayan ay sesertipikahan alinsunod sa Halal.