MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD, NAGBUKAS NA!

Nagbukas na ang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ngayon General Community Quarantine (GCQ) na ang San Pedro simula June 1. Sa unang araw ng pagtatrabaho ng mga kawani ay sinigurado ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na na-disinfect ang mga opisina upang makasiguro sa proteksiyon ng mga kawani.

Sa pagpasok ng mga kliyente ay kailangan muna dumaan sa thermal scanning at hand sanitation kabilang ang lahat ng empleyado. Naglagay ng hand sanitizer sa bawat pinto ng opisina gayundin ang plastic shield. Pagsunod sa patakaran na laging magsuot ng face mask, at istrikto din ang pagpapatupad ng physical distancing.









© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.