MLSC inspects BOSS 2022


Personal na ininspeksyon ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang Business One-Stop Shop sa Robinson’s Galleria South ngayong ika- 7 ng Enero, 2021. Ang Business One-Stop Shop o BOSS para sa renewal at bagong application ng Business Permit ay programa ng Business Permit and Licensing Office sa pangunguna ni BPLO Head Elsa Santos. Hangad ng Pamahalaang Lungsod na maging mas mabilis at mas maaliwalas ang pagproseso ng Business Permit ng bawat negosyo sa ating lungsod lalo na ngayong panahon ng Pandemya.