Nagpatuloy ang isang pribadong grupo ng pagsasagawa ng Community Pantry para sa mga kababayan natin


"Magbahagi ayon sa kakayahan, tumanggap ayon sa pangangailangan"


Nagpatuloy ang isang pribadong grupo ng pagsasagawa ng Community Pantry para sa mga kababayan nating nangangailangan. Mahigit 400 na mamamayan sa Maligaya 1 ang nabahagian sa nasabing pantry na nakalagak sa Barangay Pacita 1. Katuwang sa namahagi ang mga Pangulo ng Samahang Kababaihan ng Laguna, Homeowners Association at Youth Organizations noong May 3, 2021.


Sa mga nais magpadala ng donasyon (in-kind), tumawag o magtext lamang kay Ms. Tan sa numerong 0999-9819413 o 0915-0462404.


Maraming salamat po!


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!