Namahaging muli ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng relief packages


Namahaging muli ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng relief packages sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa mga opisyales at miyembro ng Jeepney at Tricycle Operators and Drivers Association na ginanap noong Marso 8, 2021 sa PUP-San Pedro Campus.


Sa pamamagitan nina CSWD Head Fatima Autor at Ms. Bambi Oblinada ng Office of the Mayor ay nakapagbigay ng 735 na ayuda sa Sitio Kubuhan Langgam TODA, Langgam Filinvest Triangel TODA, Riverside United Bayanihan Narra San Jose TODA at First San Jose Transport Service Cooperative.


Katuwang sa pamamahagi ng ayuda ay sina Coun. Kent Lagasca, Coun. Bobot Berroya, Punong Barangay Romeo Poyaoan at Punong Barangay Calixtro Alviar. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni SKLTODA Pres. Edgar Camu, LAFIT-TODA Pres. Chao Guerrero, RUNSTODA Pres. Noel Aquino at FSJTSC Pres. Felizardo Bacaoco sa tulong na ipinagkaloob ng Pamahalaan.