National Women’s Month 2022


“Tayong mga babae, can do it better. Hindi tayo nasisiyahan sa basta na lang. tayo ay gumagawa pa ng mga paraan upang ang gagawin natin ay mas maganda. Tayong mga kababaihan ay kinikilala sa buong mundo bilang “Agents of Change”. Sa inyong lahat, bumabati ako ng Happy Women’s Month! Mahal na mahal ko po kayo!”- Mayor Lourdes S. Cataquiz

Libu- libong mamamayan ng Lungsod ng San Pedro mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa sa pagdiriwang ng National Women's Month 2022 na may temang “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran - Tayong Lahat Kumikilala sa Kahalagahan ng Kababaihan sa ating Lipunan!” na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Lourdes S. Cataquiz noong Marso 18, 2022.

Inumpisahan ang pagdiriwang sa isang Alay Lakad or Women’s Walk for a Cause Promoting World Peace na hinati sa tatlong grupo sa Puregold San Pedro, Viva sa Barangay San Vicente at Reysal Pacita 1 na sinundan naman ng isang Zumba sa City Hall Grounds. Nagkaroon din ng maikling palatuntunan at naging keynote speaker ang panauhing pandangal na si Senator Risa Hontiveros.

Ang nasabing programa ay dinaluhan nina Former Mayor Calex Cataquiz, Coun. Aaron Cataquiz, Coun. Bernadeth Olivares, Coun. Leslie Lu, Coun. Lonlon Ambayec, Coun. Kent Lagasca, Coun. Bobot Berroya, ABC Pres. Diwa Tayao, Former Coun. Andy Reyes, Former Vice Mayor Iryne Vierneza, Dr. Marion Acierto, Brgy. Capt. Bong Poyaoan, Board Member Ann Matibag, Cabinet Secretary Atty. Melvin Matibag, Schools Division Superintendent Dr. Lourdes Bermudes, LGOO V Ms. Jnysz Montejo, CLGOO Lenie Bautista, Sister Rea Pangandihon ng Ursuline Sisters of St. Jerome in Somasca, PNP San Pedro, BJMP San Pedro, Samahan ng mga Kababaihan ng Laguna (SKL), SK and Youth Groups, DepEd San Pedro, mga Barangay, mga Department Heads at mga kawani lahat ng departamento ng Pamahalaang Lungsod.