Nationwide Simultaneous Earthquake Drill


Sa pangunguna ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ay nakiisa sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang paghahanda sa posible at hindi inaasahang paglindol.


Sa pagtunog ng hudyat ay agad na isinagawa ang “Duck, Cover and Hold” ng lahat ng mga kawani, mga bisita at mga mamamayang may transaksyon sa City Hall.


Ang nasabing pagsasanay na ito ay pinangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni CDRRMO Deputy Officer Vernet Nico Pavino.