North South Commuter Railway-Extension Project, sisimulan na


Nagsagawa ng pagpupulong ang Local Inter Agency Committee (LIAC) na binubuo ng Department of Housing Settlement and Urban Development (DHSUD), Department of Transportation (DOTr), Social Housing Finance Corporation (SHFC) at Philippine National Railway (PNR) para sa paghahanda ng proyektong North South Commuter Railway-Extension Project na sisimulan sa taong 2021. Ang pulong na ito ay isinagawa sa Ceremonial Hall noong September 24, 2020.


Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa SHFC Makati City Jenney Lyn Samaniego at Judea Alonzo, PNR Mary Elaine Igot, DHSUD Katreena Kay Marquez at Daryl Malabuyong, Legal Officer Atty. Don Luna, Brgy. San Antonio, San Vicente, Fatima, Nueva, Pacita 1, CSWD at CHO. Ang nasabing pulong ay pinangasiwaan ni City Urban Development Housing Office Head Melizza Tipon.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.