North-South Commuter Railway (NSCR)


Isinagawa ang isang Community Assembly para sa proyektong North-South Commuter Railway (NSCR) na pinangunahan ng San Pedro City Urban Development and Housing Office (CUDHO) sa pamumuno ni OIC Melizza R. Tipon. Ito ay ginanap sa Pacita Convention Hall noong January 17, 2020 na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philippine National Railway (PNR), Social Housing Finance Corporation (SHFC), San Pedro City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Asian Development Bank (ADB), Department of Transportation (DOTr) mga kawani at ilang nasasakupan ng mga maapektuhang barangay.

Ang proyektong ito ay makatutulong upang mapabilis ang byahe mula North papuntang South.