NORVIC SOLIDUM KINILALA BILANG PUNONG BAYAN


Binigyan ng pagkilala ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz si Former Punong Barangay at Former Vice Mayor Norvic D. Solidum bilang Punong Bayan sa pamamagitan ng isang unveiling ceremony at paglalagak ng kanyang larawan sa Ceremonial Hall noong November 9, 2020.


Si Mayor Solidum ay naglingkod bilang Brgy. Secretary (1994-1997), Brgy. Kagawad (1997-1998), Punong Barangay (1998-2010), Municipal Vice Mayor (2010-2013) at Municipal Mayor (June 24-30, 2013). Ang nasabing programa ay dinaluhan ng kanyang mga anak na si VJ at Jerome, Susie Domingo, at mga kapatid na sina Kagawad Don Solidum at Aileen Campos.


Ito ay dinaluhan din ng mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, mga opisyales ng Barangay, mga Department Heads ng Pamahalaang Lungsod at iba pang personalidad. Sinabi ni Mayor Cataquiz na labis ang kanyang kagalakan dahil naisakatuparan na ang paglalagay ng larawan ni Mayor Solidum sa Ceremonial Hall tanda ng pagkilala sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod sa kanyang mga kababayan. Bilang tugon, pinasalamatan ni VJ si Mayor Cataquiz dahil sa pagkilala sa kanyang ama at sinariwa rin niya ang makabuluhang buhay nito bilang isang Public Servant. Naisagawa ang palatuntunang ito sa pangunguna ng City Tourism, Culture & Arts office at PAIO.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.