Nutrition Month Celebration 2021


Sa pangunguna ng City Health Office, pormal na binuksan noong Hulyo 12, 2021 ang 47th Nutrition Month Celebration na may temang “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1000 Days Tutukan” sa pamamagitan ng isang Zumba exercise sa New San Pedro City Hall Driveway. Ilan sa mga programang ginanap para sa pagdiriwang noong Nutrition Month ay ang Family Tiktok Challenge using F1K Jingle, photo contest tungkol sa breastfeeding, Nutri-Komiks Dramatization, Zoom Meeting ukol sa 2021 Nutrition Points at pamamahagi ng Nutri Care Packs.

Ang lahat ng pagdiriwang ay naaayon sa pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ng National Nutrition Council at suportado ng ating City Mayor Lourdes S. Cataquiz.