On-going San Pedro Gateway Park


Ang San Pedro Gateway Park ay isa rin sa mga "ONGOING PROJECTS" na nakatakdang matapos ngayong taong 2021. Ang proyektong ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro mula sa pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng City Engineering Office sa pangunguna ni Engineer Emmanuel Ables Jr. Layunin ng proyektong ito na mas pagandahin ang mga parke at open spaces bilang bahagi ng ating programa na gawing livable at sustainable ang bawat komunidad sa ating Lungsod.


Nais ko lamang pong ipaalam sa ating mga kakabayan na HINDI PO NAGMULA ANG PONDO NG PAGPAPAGAWA NG SAN PEDRO GATEWAY PARK SA ATING PAMAHALAANG LUNGSOD, ANG PONDO PONG ITO AY NAGMULA SA DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) na nakalaan lamang para sa rehabilitation of parks and spaces.


— Mayor Lourdes S. Cataquiz