Pag-iinspeksyon ni City Administrator Engr. Filemon Sibulo sa Business One-Stop-Shop


Personal na ininspeksyon ni City Administrator Engr. Filemon Sibulo ang unang araw ng Business One- Stop Shop para sa Business Permit Renewal sa 2nd level ng Robinson’s Galleria South noong ika- 4 ng Enero, 2021. Kasama si BPLO OIC Elsa Santos at HRMO Head Leah Morando, siniguro nilang mabuti ang kalagayan ng bawat taxpayer at kung nasusunod ang pamantayan ukol sa mga ipinatutupad na safety protocols laban sa Covid- 19.


Hangad ng Pamahalaang Lungsod na maging mas mabilis at mas maaliwalas ang pagproseso ng Business Permit ng bawat negosyo sa ating lungsod lalo na ngayong panahon ng Pandemya.

Panawagan po sa ating mga taxpayers na dito na po sa Robinsons Galleria South ang renewal ng kanilang mga business permits hanggang January 20, 2021, Monday to Friday, 8AM to 5PM.


Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Magandang San Pedro Po sa ating lahat!

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.