Pagbibigay ng 6 units na Closed-Circuit Television (CCTV) Cameras sa Barangay San Antonio


Nagkaloob ng 6 units na Closed-Circuit Television (CCTV) Cameras ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa Southville 3A, Barangay San Antonio.


Malaking pasasalamat ang ipinaabot ng SV 3A Homeowners’ Association na pinamumunuan ni President Breech Cesar Icdang sa layunin ng ating pamahalaan na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa kanilang lugar.