Pagbisita ni Mayor Cataquiz sa Business One-Stop-Shop sa Robinsons South


Personal ko pong binisita at ininspeksyon ang kasalukuyang kalagayan ng ating Business One-Stop Shop para sa renewal ng mga Business Permits sa 2nd Level ng Robinsons Galleria South. Kasama ko po sina BPLO OIC Elsa Santos at PAIO Head Jimbo Ambayec.


Tiniyak po ng inyong lingkod na naipapatupad ang mga minimum health standards katulad ng tama at palagiang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng physical distancing, at malimit na pag-sanitize ng mga kamay.


Panawagan po sa ating mga taxpayers na dito na po sa Robinsons Galleria South ang renewal ng kanilang mga business permits hanggang January 20, 2021, Monday to Friday, 8AM to 5PM.


Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Magandang San Pedro Po sa ating lahat!

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.