Pagbisita ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa COVID-19 Vaccination Sites


"Personal kong binisita ang ating mga COVID-19 Vaccination Sites na nakalagak sa Robinsons Galeria South at San Pedro Astrodome upang masigurong maayos ang kalagayan ng bawat kababayan nating nagpapabakuna mula sa iba’t ibang kategorya— Medical frontliners (A1), Senior Citizens (A2) at Persons with Comorbidities (A3).


Kasama ko sa pagbisita at pag-inspeksyon sina City Health Officer Dr. Robert Olivarez, City Civil Registrar Riah Fojas at City Information Officer Jimbo Ambayec.

PAALALA: Hindi pa rin po tumatanggap ng WALK-IN. Ang mga natext/natawagan lamang ng CHO personnel ang maaaring pumunta sa araw at oras ng schedule, maliban sa mga magpapaturok para sa kanilang 2nd dose.


TANDAAN: Ang pagpapadala ng text invitation ay nakadepende sa Time Stamp o kung kailan nagrehistro online o sa Barangay.


Patuloy ang paghihikayat ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa mga sakit na dulot ng Covid-19.

Sa mga nais magparehistro online, punan lamang ang form na lalabas sa mga link na ito: http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

Or https://docs.google.com/.../1FAIpQLSceD4Qn435.../viewform...


Para naman sa karagdagang katanungan hinggil sa Covid-19 Vaccination, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero ng CHO personnel:

09985941744 09609338385 09303249805 09686396344 09452473504


Maraming salamat po. Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!"


- Mayor Lourdes S. Cataquiz