Pagbisita ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sa mga nasunugan sa Brgy. Chrysanthemum


"Personal na pinuntahan ng inyong lingkod ang Maligaya 6 sa Brgy. Chrysanthemum na pinangyarihan ng sunog noong nakaraang June 1, 2021. Kinumusta at inalam ko rin ang kalagayan ng mga pamilya na lubos na naapektuhan ng nasabing insidente. Pansamantala silang nanunuluyan sa Chrysanthemum Village Elementary School upang maibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at matiyak na sila'y naaalalayan ng wasto katuwang ang kanilang barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Resty Hernandez, CSWD Head Ms. Fatima Autor at mga social workers, at CDRRMO na pinamumunuan naman ni Mr. Nico Pavino."


- Mayor Lourdes S. Cataquiz