Pagbubukas ng bagong Pacita Organic Garden


Pinangunahan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Engr. King Layola ang pagbubukas ng bagong Pacita Organic Garden.


Layunin ng programang ito na magkaroon ng community garden na natural, organiko, masustansya at walang kemikal na pananim para sa mga kababayan natin sa Pacita Phase 7B.


Ang nasabing pagpapasinaya ay dinaluhan nina City Councilors Aaron Cataquiz, Raffy Campos at Kent Lagasca.