Pagdaraos ng Buwan ng Wika sa Panahon ng Pandemya

Nagdaos ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng Buwan Ng Wikang Pambansa na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya. Layunin nito na patuloy na makapagbahagi ng mga impormasyon patungkol sa wika gayundin ang mga kaalaman para masugpo ang patuloy na paglaganap ng pandemya sa pangangasiwa ng City Tourism Culture and Arts Office.


Sa isinagawang “Kuwentuhang Pambata” via Live ay umani ng paghanga ang mga manonood noong Agosto 20. Sinundan ng “Online Talakayan” (Webinar). Program for a cause naman ang “Pinta ng Pag-asa Laban sa Covid-19” dahil ang mga nagawang paintings ay ibebenta at ang malilikom ay mapupunta sa mga frontliners.



Sa huling araw ng pagdiriwang noong Agosto 28 ay nagsagawa ng Experimental Cinematic Quest: Coping with Covid-19 (Short Film Festival 2020) na napanood ang mga entry sa LED TV sa San Pedro City Plaza at FB live. Mga nagwagi bilang Best Short Film - Bagong Bayani (Hazel Grace Balondo at Rico R. Javana. Second Best Short Film - Lagalag (Kristine Andre Bathan). Third Short Film- Ma’m pa’no na ‘po? (Rhyan de Guzman.) Ang nasabing Short Film Festival 2020 ay pinangunahan ni Tourism Officer John Manzano at PAIO Head Jimbo Ambayec bilang hosts sa nasabing patimpalak.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.