Pagdaraos ng Opening ng National Art’s Month


Pinangunahan ng San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office, sa pamumuno ni CTCA OIC John Manzano, ang pagdaraos ng opening ng National Art’s Month na may temang “Alab Sining, Alay Sigla”.


Nagbigay ng pambungad na mensahe si Councilor at SP on Committee on Tourism, Culture and Arts Edgardo Berroya na sinundan ng mensahe ni Councilor Aaron S. Cataquiz. Dumalo din sina Councilor Raffy Campos, Councilor Bernadeth Olivares at ang mga manlilikha ng nasabing art exhibit. Nagbigay ningning din sa pagdiriwang ang mga awitin ng Koro San Miguel.


Ito ay naganap noong ika-15 ng Pebrero 2021 sa The Gallery, 2nd Floor, Robinson’s Galleria South.

Simula ngayong araw, bukod sa art exhibit ay magkakaroon ng actual performances ang iba’t ibang manlilikha sa ating lungsod katulad ng actual painting, tattooing, performing at iba pang form of arts na magtatagal hanggang sa pagtatapos ng buwan na ito.