Pagdating ng panibagong batch ng Sinovac Vaccine sa Lungsod ng San Pedro


Dumating ang panibagong batch ng Sinovac Vaccine sa Lungsod ng San Pedro noong Martes, Mayo 4, 2021 mula Metropac, Marikina City. Ito ay agad na inilagak sa ating Immunization Operation Center sa San Pedro Astrodome sa tulong ng City Health Office, PNP San Pedro at SWAT.

Prayoridad na maturukan ang mga naka- schedule ng 2nd dose ng Medical Frontliners at A1 and A3 categories.

Hinihikayat ang lahat na magpaturok upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit na dulot ng COVID- 19.


Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon ay makipag-ugnayan lamang po sa CHO sa mga numerong ito:

09985941744 09609338385 09303249805 09686396344 09452473504


Sa mga nais magpa-rehistro, punan lamang po ang form na lalabas sa mga link na ito:

http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

Or

https://docs.google.com/.../1FAIpQLSceD4Qn435cN2.../viewform