Pagdating ng panibagong batch ng Sinovac Vaccine sa Lungsod ng San Pedro


Dumating na ang panibagong batch ng Sinovac Vaccine sa Lungsod ng San Pedro ngayong araw, Hunyo 11, 2021 mula sa DOH Marikina City. Bandang alas 11:00 ng umaga naihatid ang mga nasabing COVID- 19 vaccine sa Covid- 19 Vaccination Site sa San Pedro Astrodome sa tulong ng City Health Office, PNP San Pedro at SWAT.


Hinihikayat ang lahat na magpaturok upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit na dulot ng COVID- 19.


Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon ay makipag-ugnayan lamang po sa CHO sa mga numerong

09985941744 09609338385 09303249805 09686396344 09452473504


Sa mga nais magpa-rehistro, narito po ang link:

1.http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

2.https://docs.google.com/.../1FAIpQLSceD4Qn435.../viewform

3.http://tinyurl.com/sanpedrocityvaccination


Punan lamang ang form na lalabas sa nasabing link.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa lahat!