Pagdating ng Panibagong Sinovac Vaccine


Dumating na ang panibagong batch ng Sinovac Vaccine sa Lungsod ng San Pedro kahapon Abril 16, 2021 mula sa DOH Region IV-A Office, Quirino Memorial Medical Center. Bandang alas 11:00 ng umaga naihatid ang mga nasabing COVID- 19 vaccine sa Immunization Operation Center sa San Pedro Astrodome sa tulong ng City Health Office, PNP San Pedro at SWAT.


Prayoridad na maturukan ang mga Medical Frontliners at persons with comorbidities.


Hinihikayat ang lahat na magpaturok upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit na dulot ng COVID- 19.


Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon ay makipag-ugnayan lamang po sa CHO sa mga numerong 888 387 151 or 09985941744


Sa mga nais magpa-rehistro, narito po ang link: http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

Punan lamang ang form na lalabas sa nasabing link.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa lahat!