Pagdating panibagong batch ng Sinovac at AstraZeneca Vaccines sa Lungsod ng San Pedro


Dumating ang panibagong batch ng Sinovac at AstraZeneca Vaccines sa Lungsod ng San Pedro ngayong araw, Mayo 13, 2021 mula DOH Marikina City. Ito ay agad na inilagak sa ating Immunization Operation Center sa San Pedro Astrodome sa tulong ng City Health Office, PNP San Pedro at SWAT.


Bukas, Mayo 14, 2021 ay uumpisahan na ang pagbabakuna sa A2 category o ang mga Senior Citizens habang tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa A1 (Workers in Frontline Health Services) at A3 (Persons with comorbidities).


Hinihikayat ang lahat na magpaturok upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit na dulot ng COVID- 19.


Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon ay makipag-ugnayan lamang po sa CHO sa mga numerong ito:

09985941744 09609338385 09303249805 09686396344 09452473504


Sa mga nais magpa-rehistro, punan lamang po ang form na lalabas sa mga link na ito at hintayin ang text/ call confirmation na magmumula sa ating CHO personnel kung kailan ang inyong schedule ng pagpapabakuna

http://bit.do/cityofsanpedrobakuna

Or

https://docs.google.com/.../1FAIpQLSceD4Qn435.../viewform...


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa lahat!