PAGDIRIWANG NG ARAW NG KALAYAAN 2020

Ang Pamahalaang Lungsod ay nagsagawa ng simpleng pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Kalayaan. Pinatunayan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na kahit tayo ay may krisis na kinakaharap dahil sa pandemyang Covid-19 ay hindi hadlang ang pagpapahalaga sa ating mga bayani na mag-alay ng bulaklak na pinangasiwaan ng City Tourism Culture and Arts na naganap sa San Pedro City Plaza, June 12.


Nakiisa sina ABC Pres. Diwa Tayao, PNP Chief PLTCOL Zeric Soriano, Bureau of Fire Protection C/Insp.Ronnie Benedicto, City Health Office Head Robert Olivares, CSWD Head Ma. Fatima C. Autor, CDRRMO Officer Vernet Nico Pavino at San Pedro Masonic Lodge 292. Sa mensahe ni Mayor Cataquiz, bukod sa kasaysayan ng ating mga bayani bilang pagpupugay at pasasalamat ay isa ring makasaysayan ang pag-tulong at pagsuporta ng ating mga frontliners simula noong buwan ng Marso sa pandemic na kinakaharap natin ngayon. Patuloy ang ating pakikipaglaban sa hindi natin na nakikitang kalaban. Dalangin niyang lumaya na tayo sa pandemyang ito upang maging malaya na tayo sa kahirapan. Dagdag pa nito, magkaroon ng silbing aral sa lahat ang pangyayaring ito, maging matatag ang ating pananampalataya sa Panginoon, binigyan tayo ng panahon para maipadama ang pagmamahal sa ating pamilya. Ipagpatuloy lang natin ang pag-iingat tungo sa malaya at ligtas na lungsod.


June 12, 2020




© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.