Pagdiriwang ng Fire Prevention Month


Sa pagpasok ng Buwan ng Marso, sinimulan ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng isang motorcade na nagmula sa San Pedro City Plaza na pinangunahan nina Bureau of Fire Protection (BFP) OIC F/Insp. Jude D. Sumeg-ang at City Fire Auxiliary Unit (CFAU) Head Ronnel Heredia. Pinaalalahanan nila ang publiko na maging maingat upang makaiwas sa sunog at anumang sakuna na dulot nito.


Kabilang sa nakiisa sa nasabing pagdiriwang ang City Disaster Risk and Reduction Management Office (CDRRMO), Public Order and Safety Office (POSO), PNP-San Pedro, Kabalikat Charity Communicator Inc. at Public Affairs and Information Office (PAIO).