Pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani


Ginunita ng ating Pamahalaang Lungsod ang Pambansang Araw ng mga Bayani nitong ika-31 ng Agosto 2020 sa San Pedro City Plaza.


Pinangunahan ito ng ating Punong Lungsod Lourdes S. Cataquiz katuwang si Mr. John Filemon Manzano ng City Tourism, Culture and Arts Office at mga kawani nito. Kasama sa mga nag-alay ng bulaklak ay sina PLTCOL. Jesson V. Bombasi at mga PNP Officers, Konsehal Bernadeth Olivares-Cuevas, SK Federation President Earl Gius Z. Castasus, Kagawad Avic Yambao, Kagawad Dado Magno at mga opisyales ng Barangay Poblacion.


Ipinabatid ng ating Punong Lungsod Lourdes S. Cataquiz ang kanyang pasasalamat at ayon sa kanya, “Ngayong National Heroes’ Day, nais ko pong ipaabot sa ating mga FRONTLINERS ang taos-pusong pasasalamat at pagdakila sa kanilang kabayanihan. Katulad ng mga Bayani sa ating kasaysayan, walang katumbas na halaga ang ipinakita nilang malasakit at sakripisyo para sa ating bayan.


Isang pagsaludo sa mga Bayani ng kasalukuyang panahon... ang ating mga FRONTLINERS.”

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.