Paghahanda sa inaasahang pagdating ng Bakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng San Pedro


Pinangunahan nina PNP-San Pedro PCPL Armin Padate, LCR Head Riah Fojas at Executive Assistant Angela Cataquiz ang paghahanda sa inaasahang pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng San Pedro. Isinagawa ang pagpupulong noong Pebrero 26, 2021 sa Mountain View Hall.


Inihanda na ang San Pedro Astrodome na gagawing vaccine storage facility na kung saan dito ilalagak ang mga bakuna. Katuwang ang POSO, TMU, CDRRMO, BFP at PAIO sa pagsasagawa ng dry run na magmumula sa La Marea Exit at Southwoods patungong Asrodome para sa mabilisang paghahatid ng vaccine.