Pagpapa-abot ng relief packages sa West Triangle, Rustan B at Manggahan sa Barangay Langgam



"Patuloy pa rin sa pamamahagi ng relief packages ang ating Pamahalaang Lungsod sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.


Nakapag-abot ng 366 relief packages sa West Triangle, Rustan B at Manggahan sa Barangay Langgam sa tulong ni Kapitan Bong Poyaoan, mga kawani ng Barangay, Orly Lopez at Motorpool Team. Maraming salamat po sa inyong tulong!


Pinapayuhan ko ang lahat na manatili pa rin sa ating mga tahanan kung hindi naman kailangang lumabas. Hindi pa rin po natatapos ang banta ng Covid-19.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!"

- Mayor Lourdes S. Cataquiz