Pagpapa-abot ng personal na tulong at relief goods sa nasunugan sa Brgy. Poblacion


"Isang sunog po ang naganap kahapon sa isang compound sa Rizal St., Barangay Poblacion. Matapos pong maapula ang sunog ng ating mga masisipag at alertong bumbero at mga fire volunteers ay kaagad po natin pinuntahan at kinamusta ang kanilang kalagayan.


Nagpaabot po tayo ng personal na tulong at relief goods.

Pina-paalalahanan po natin ang ating mga kababayan na ngayong pong Marso ang Fire Prevention Month. Mag doble ingat po tayo at siguraduhing i-check po natin lagi ang ating mga saksaksan upang makaiwas po tayo sa sunog.


Maraming salamat po sa ating San Pedro Fire Station at mga fire volunteers mula sa iba't ibang barangay na nagtulong-tulong upang hindi na kumalat pa ang apoy."


- Councilor Aaron Cataquiz