PAGPAPARANGAL SA MGA DCW AT DCC


Ginawaran ng “Certification of Old Tools Accreditation” ang mga masisipag na Day Care Workers ng City Social Welfare and Development Office dahil sa hindi matatawarang dedikasyon sa pagpapaganda, pagpapaunlad at pagpapahalaga ng kanilang Day Care Centers noong Lunes, ika- 18 ng Enero taong kasalukuyan.


Tumanggap din ng Very Competent and Outstanding Day Care Centers ang Langgam DCC sa pangunguna ni DCW Ofelia Chavez, Laram DCC sa pangunguna ni DCW Over- all Coordinator Jennifer Toca, Bayanbayanan DCC sa pangunguna ni DCW Julita Emperador at Rosario DCC sa pangunguna naman ni DCW Cristina Capile.


Ang layunin ng Accreditation na ito ay upang maging lehitimo at lisensyado ang kanilang pagtuturo sa Day Care Service Program.


Ang nasabing pagpaparangal ay dinaluhan nina CSWDO Head RSW Fatima C. Autor, ABC President Diwa Tayao at City Councilor Bobot Berroya.