Pagpapasinaya ng tatlong Hemodialysis Machines na donasyon ng Rotary Club of San Pedro


Pinangunahan ni City Administrator Engr. Filemon I. Sibulo ang pagpapasinaya ng tatlong (3) Hemodialysis Machines na donasyon ng Rotary Club of San Pedro na pinamumunuan ni Benjie Garcia at Rotary Club of Iri Dong, South Korea. Dumalo rin sa pasinaya sina Local Civil Registrar (LCR) OIC Riah Fojas, Global Grant International Project Chairman (RCSP former President) Mark Acierto, RCSP former President Zaldy Roxas at iba pang RCSP Members. Ang mga makinarya ay nakalagak at magagamit na sa Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH) - Hemodialysis Unit.


Makakapa-bigay rin sila ng tatlong (3) karagdagan pang makinarya na ilalaan naman sa Laguna Provincial Hospital - San Pedro.


Layon ng proyekto na makapag-bigay ng libreng serbisyo para sa mga pasyenteng mangangailangan nito.