Pagpupulong ng ating Mayor Lourdes S. Cataquiz tungkol sa ayuda galing National Government.


“Mga kababayan, nakahanda na po ang 41 milyong piso (P41,000,000) mula sa kaban ng ating Pamahalaang Lungsod para ipamahagi sa iba pa nating mga kababayang hindi pa nakakatanggap ng ayuda partikular sa ilang bahagi ng Barangay San Antonio, Langgam, Pacita 1 at Pacita 2.


Nagpatawag po ang inyong lingkod ng isang emergency meeting noong May 5, 2021 (late post). May sapat na pondo po ang ating Pamahalaang Lungsod upang bigyan ang mga kababayan nating hindi pa nakakatanggap ng ayuda mula sa National Government. Hangad po namin na matapos ang pamamahagi ng ayuda ngayong darating na linggo. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa. Maraming salamat po!”


Mayor Lourdes S. Cataquiz