Pagpupulong ng COVID-19 Task Force


Nagsagawa ng pagpupulong ang COVID-19 Task Force ng Lungsod ng San Pedro sa Pavilion Hall kaninang umaga. Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni City Administrator Engr. Filemon Sibulo. Dinaluhan din ito nina CHO Head Dr. Robert Olivarez, City Civil Registrar Riah Fojas, PAIO Head Jimbo Ambayec, Executive Assistant V Maria Angela Cataquiz, CDRRMO OIC Vernet Nico Pavino, CHO Nurse Ryan Arboleda, CLGOO Lenie Bautista, PLC Danilo Mendoza, City Legal Officer Atty. Don Luna at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang departamento.

Tinalakay sa pulong ang kahandaan ng lungsod sakaling madagdagan pa ang aktibong kaso at kung paano isasagawa ang tamang paraan sa pagkontrol dito. Inihahanda na rin ang muling pagsisimulan ng pagbabakuna sa darating na Lunes, Abril 19, 2021.