PAGPUPULONG UKOL SA PAGSASAAYOS NG LOCAL SCHOOL BOARD


Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pagpupulong ng Local School Board na ginanap sa Office of the City Mayor noong June 22, 2020. Layunin ng pulong na ito ang pag re-align ng pondo para sa proyekto na gagamitin upang maisaayos ang mga silid aralan at mapa-repair ang mga school building ng mga Public Schools. Nais ni Mayor Cataquiz na maging handa ang lahat para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante oras na maaprubahan na ang physical o face to face learning set-up ng ating Pamahalaang Pambansa.


Kabilang sa mga dumalo ay sina Coun. Aaron Cataquiz, District Supervisor Jovito Barcenas, City Treasurer Enelyn D. S. Abaigar, S.K. Gius Castasus, FPTA President Alma Islan at LSB Acting Secretary Jimbo Ambayec.



© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.