PAMAHALAANG LUNGSOD, PINAGAMIT ANG BAGONG FIRE TRUCK SA BFP

Tinanggap nina City Fire Marshall C/Insp. Ronnie R. Benedicto at CFAU Chief Ronnel Heredia ang isang fire truck mula kina City Coun. Aaron S. Cataquiz at City Administrator Filemon I. Sibulo sa isinagawang turn over ceremony sa lungsod, June 9.


Ito ang pangalawang fire truck na ipinahiram ng Pamahalaang Lungsod sa Bureau of Fire Protection. Ito ay binili mula sa pondo ng 2019 POPS PLAN. Layunin nito na mas mapaigting ang kapabilidad ng mga bombero na makasagip ng buhay at ari-arian.


June 9, 2020






© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.