Pamahalaang Lungsod tumanggap ng Composting Machine mula sa BSWM


Tinanggap nina City Agriculturist Engr. Enrique Layola at CENRO Head Marilou Balba ang Composting Facility for Biodegradable Waste mula kina Bureau of Soil and Water Management (BSWM) OIC Director Sonia Salguera, Organic Agriculture Focal Person Yolly Albrina at Technical staff na si Adrian Manalaysay noong September 9, 2020.


Ang rotary composter at shredder machine ay gagamitin sa mga basura na malilikom ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) mula sa iba’t-ibang barangay para magkaroon ng organic fertilizer. Ito ay libreng ipamimigay sa mga bahay-bahay para sa proyektong Urban Agriculture Program para maiwasan ang paggamit ng chemical fertilizers at insecticides dahil nagbibigay ito ng masamang epekto sa ating produksyon at supply ng pagkain.


Sa mensahe ni City Agriculturist Layola na kinakailangang hikayatin ang mga nagtatanim na gumamit ng organic fertilizer. Malaki rin ang naitutulong nito sa waste management ng ating barangay at lungsod upang makamit natin ang “zero waste” ng ating siyudad.

© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.