Pamamahagi ng cash assistance na nanggaling sa National Government


Sa pagtutulungan ng mga kawani ng ating Pamahalaang Lungsod, nagpatuloy ang Team Ayuda sa pamamahagi ng cash assistance na nanggaling sa National Government. Pinuntahan nila ang Barangay United Bayanihan, Barangay Laram, Barangay Nueva, Barangay Chrysanthemum, Barangay Cuyab, Barangay Landayan, Barangay Fatima, Barangay Langgam, Barangay San Antonio at Barangay San Vicente (Bayan Bayanan), ngayong ika-22 ng Abril 2021.


Simula noong Lunes, dinagdagan na ng ating Pamahalaan Lungsod ang bilang ng mga validators at payout personnel. Layunin nito na mas mapabilis at maagang matapos ang pamamahagi ng ayuda. Susundin pa rin po ang naunang schedule maliban sa mga idinagdag na malalaking barangay tulad ng San Antonio, Landayan, Langgam, Cuyab at San Vicente.


Muli ay pinapaalalahanan ang lahat na ang ilan sa mga barangay na pinuntahan ay tanging mga validators muna ang nagpunta upang punan ng mga beneficiaries ang form na ibinigay. Babalikan ang mga nasabing beneficiaries bukas para sa payout ng ayuda.


Laging tiyakin ang pagsunod sa mga health and safety protocols lalong lalo na ang tamang pagsusuot ng FACE MASK at FACE SHIELD at pagpapanatili ng PHYSICAL DISTANCING.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!