Pamamahagi ng “Juanang Pangkabuhayan” ang ating Pamahalaang Lungsod ng San Pedro


"Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, namahagi ng “Juanang Pangkabuhayan” ang ating Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa mga kababaihan na nais ipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay.


Sa pamamagitan ng Angat Kooperatiba at Pangkabuhayan Program (AKAP) ay napagkalooban ng tig P5,000 ang labing apat na kababaihan ng San Pedro. Layon nito na madagdagan ang puhunan ng kanilang maliliit na negosyo na naapektuhan ng pandemya. Pinangasiwaan nina City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO) Head Ruby Adajar at Consultant Lony Landicho, ang nasabing programa ay ginanap sa Ceremonial Hall noong Marso 10, 2021."


- Mayor Lourdes S. Cataquiz