Pamamahagi ng Libreng Pustiso


Dalawang- daan at limampu (250) na mamamayan ng ating lungsod ang mapalad na magkakaroon ng magaganda at matatamis na ngiti matapos silang masukatan ng kanilang libreng pustiso sa programang “Kay Ganda ng Ngiti ko sa Bago kong Pustiso” sa San Pedro Central Elementary School noong nakaraang Huwebes, Pebrero 24, 2022.

Ang programang ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, sa pamamagitan ng City Health Office, katuwang si Dr. Medardo Ramirez.