Pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng gift packages


Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ng gift packages sa mga opisyales at miyembro ng San Vicente Tricycle Operators and Drivers Association. Ang nasabing pamamahagi ay ginanap noong noong Marso 1, 2021 sa Brgy. San Vicente.


Inatasan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz sina Coun. Aaron Cataquiz, Coun. Raffy Campos, Coun. Leslie Lu, Coun. Kent Lagasca, Coun. Bobot Berroya at ABC Pres. Diwa Tayao upang pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa 730 opisyales at miyembro ng San Vicente TODA. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni TODA Federation President at Kagawad Rey dela Cruz sa tulong na ipinagkaloob ng Pamahalaan.