Pamamahagi ng relief packages sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.


"Nagpatuloy sa pamamahagi ng relief packages ang ating Pamahalaang Lungsod sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.


Nakapag-abot ang ating pamahalaan ng relief packages sa Miranda Site, Sitio Lubugan at Sitio Samaniego sa Barangay San Antonio sa tulong nina Former Kagawad Freedom Gilbuena at Motorpool Team.

Pinapayuhan ko ang lahat na manatili pa rin sa ating mga tahanan kung hindi naman kailangang lumabas. Hindi pa rin po natatapos ang banta ng Covid-19.


Isang Ligtas at Magandang San Pedro Po sa ating lahat!"


- Mayor Lourdes S. Cataquiz