Pamamahagi ng Relief Packs para sa mga nasalanta ng Bagyo







Namahagi ng mga relief packs ang ating Pamahalaang Lungsod, sa tulong ng ating mga Konsehal Aaron Cataquiz, Raffy Campos, Leslie Lu, Bernadeth Olivares, Marlon Acierto, Bobot Berroya, CDRRMO, CSWDO, CENRO, PAIO at iba pang mga volunteer workers, sa ating mga kababayan na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.


Pinuntahan nilang muli ang Brgy. Cuyab at San Roque upang alamin din ang kalagayan nila ilang araw matapos ang hagupit ng nasabing bagyo. Sa darating na Lunes ay isusunod naman ang Brgy. Landayan at iba pang lugarin sa ating bayan.


Marami pa rin po sa ating mga kababayan ang kasalukuyang bumabangon mula sa epekto ng hindi inaasahang kalamidad. Ipanalangin po natin sa Panginoong Diyos na patuloy silang pagkalooban ng lakas ng loob upang makaahon mula sa hirap na kanilang sinapit.


Asahan po ninyo na kasama nyo ang inyong Pamahalaan sa lahat ng pagkakataon. Magandang San Pedro Po!