Pamamahagi ng Rocket Pumps sa Brgy. Landayan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro


Labing Tatlong Rocket Pumps ang ipinamahagi sa Brgy. Landayan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pangunguna ni Coun. Aaron Cataquiz noong Marso 4, 2021 sa Landayan Covered Court.


Katuwang sa naturang turnover ng rocket pumps sina Coun. Raffy Campos, Coun. Bernadeth Olivares, Coun. Kent Lagasca at Coun. Bobot Berroya. Ang mga nasabing rocket pumps ay handog sa mga residente ng Sitio Camachile, Tamuro, Hernandez, Southfairway at Purok 1-5. Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni OIC Punong Barangay Jayferson Biay at mga Kagawad sa Pamahalaan dahil naibigay ang kahilingan ng kanilang barangay.