Pamamahagi ng Tulong Pinansiyal para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses


Dinaluhan ni City Councilor Aaron Cataquiz ang pamamahagi ng tulong pinansiyal ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Ito ay ginanap noong Marso 8, 2021 sa San Pedro City Hall.


Nabigyan ng tulong ang mahigit isang daang mamamayan na naninirahan sa Brgy. Cuyab at Landayan dahil hanggang sa ngayon ay apektado pa rin sila ng epekto ng Bagyong Ulysses. Tumagal ang pagbaha sa kanilang lugar na naging sanhi ng pagkasira ng kanilang kabahayan. Pinangasiwaan ni CSWD Head Fatima Autor ang pamamahagi ng tulong.