PAMAMAHAGI NG TULONG SA MGA PWD

Namahagi si City Mayor Lourdes S. Cataquiz ng halagang isang libo (P1,000.00) sa ating mga kababayang PWD (Persons with Disability). Katuwang ang CSWD (City Social Welfare Development) at iba’t ibang departamento sa pagsasaayos at pag-abot ng tulong pinanansiyal para sa mga may kapansanan.


Kabilang ang Barangay Maharlika, Nueva, Sampaguita, Rosario, Bagong Silang, Magsaysay, GSIS, San Lorenzo, Narra, Pacita 1, Pacita 2, United Bayanihan, UBL at San Roque sa kabuuang bilang na 4,268 katao at isang libong tulong pinansyal bawat isa. Layunin ng programang ito na makapaghatid ng serbisyong naayon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga PWDs.


June 18, 2020






© 2023

City of San Pedro, Laguna

Website Admin.